As promised, here's my review for the Infant/Baby Wear, which I bought from WholesaleOnlineDepot last 8/2/17 via Shopee PH App:
1. The material used is ideal for Summer. Medyo manipis sya pero OK na OK suotin ni baby pag tanghali dahil breathable yung tela.
2. Hindi tulad ng shorts, sando, and pajamas, makapal ang tela ng booties, mittens, and bonnets para masecure na di magkakaron ng kalmot si baby at hindi mapapasukan ng lamig.
3. As mentioned ng seller, medyo maliit nga ang small size for newborn kaya kung feel mo na medyo malaki ang baby mo, I might suggest get medium size para sure na magagamit nya.
4. Maganda naman yung quality ng tela, tahi, at ng garter. Malamig sa mata ung colors.
5. Seller was very approachable and was able to respond immediately. Naging transparent si seller about the quality ng paninda nya and na inform naman ako na meron din syang binibentang infant and baby wear na mas maganda ang kalidad.
Thank you din pala sa Freebie!! :)
Base on the price I paid for (551.00 pesos for 12 pajamas, 6 shirts, 6 shorts, 3 mittens, 3 bonnets, 3 binders, 3 booties), these items are great!
Remember, mabilis lumaki ang mga babies and kung wala naman na planong mag-anak pa uli or wala naman ibang pamamanahan, at higit sa lahat, kung ikaw ay nagba budget na nanay at walang oras makihalukay sa Divisoria, pwedeng pwede na kay baby ang mga ito.
Hindi na kinakailangan ni baby ng mamahaling pang araw-araw o pambahay, ang mas importante, makapagsuot sya ng malinis na damit at naaayon sa panahon.
No comments:
Post a Comment